Kadena

Written by Stan Mortel

Si Stan ay isang security guard sa Quezon Province.  May asawa at tatlong anak.  Mahirap ang kanilang buhay at lalu pa itong humirap nang mag-expire ang kanyang lisensya.  Walang lisensya, walang “duty”, walang kita.  Napilitan silang mag-asawa na mamutol ng kahoy upang gawing uling at ibenta para may pambili sila ng pagkain.  Dahil dito, nahinto sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Isang araw, tumawag ang kanyang biyenan na napatira sa Sto. Nino sa Lipa, Batangas.  Inaya silang lumikas at makipisan sa kanilang bahay sa Lipa.  Nangutang sila ng pamasahe upang makarating sa Lipa.  Subali’t di pa rin makakuha ng trabaho si Stan.  Hirap pa rin sila sa buhay at di maaring umasa lang sa biyenan na maliit lamang din ang kinikita.

Isang araw, nabalitaan nya sa pamangkin na mayroong naghahanap ng Piggery Boy o katulong sa babuyan sa Baranggay Sampaguita sa Lipa.  Dahil walang pamasahe, naglakad si Stan hanggang makarating sa lugar at nakilala nya ang mga may-ari na sina Bro. Pabling at Sis.Amy.  Dahil sa regular na trabaho ay nagbago ang buhay nila Stan.  Isinama rin silang mag-asawa sa Familia Community kung saan nakilala nila ang isang buhay kasama ang Diyos.

Grasya at biyaya ng Panginoon na nakilala ni Stan ang kaniynag mga amo na naglapit sa kanya sa Diyos.  Grasyang nagbigay ng gihawa sa buhay at nakapagpatapos ng mga anak.  Noon, kadena ng kahirapan ang dinanas ni Stan.  Ngayon, kadenang nag-uugnay sa Panginoon ang kaniyang pinanghahawakan.   

Related Articles

It’s All Worth It!

Boons and Klondie Dagupen were very active in community and in the evangelization work.  One day, they decided to make an agreement that whoever dies

God Fixed it All

When Familia Batangas was assigned to host the Familia Community 24th Anniversary,  the team prayed for one year for a venue, increase in membership for

My First Visitor

Gil Caballero’s tumor on the right cheekbone first appeared before he turned 20.  And around that time, his relationship with God began through Familia Community. 

All rights reserved 2019 | Familia Community Foundation, Inc.

Coming Soon