Love begets Love

Written by Andoy Acosta

Taong 1997, bilang aktibong  leader ng aming community association, kinumpronta ko ang isang pamilya dahil sa pamamaril na ikinabasag ng isa naming streetlight. 

Dahil lamang doon, inabangan ako isang umaga ng limang lalaki, pinagpapalo at pinagtataga. 

“Naputol ang aking kaliwang braso at natanggal ang aking kanang mata.”

Isang  buwan ako sa hospital.   Walang araw na hindi laman ng isip ko ang paghihiganti, galit, gigil at masasamang balak ang nanaig sa akin.  

Makalipas ang tatlong taon, naimbitahan kami sa isang  Empowered Christian Living Seminar (ECLS).   Bagama’t napilitan lang ako, nagpatuloy kami sa pag-attend.  Sa Talk 3, “repent and believe”, pilit kong nilalabanan kung dapat ba ako humingi ng tawad at magpatawad.  Sa aming panalangin, hiniling naming sa Panginoon na tulungan nya akong magbago.

Dahil dito, natuto akong magsimba, nagbago ang aking pakikitungo sa aming mga kapitbahay, at nawala ang poot at paghihiganti sa puso ko.

 Nabalitaan ko na maraming hindi magandang nangyari sa buhay ng mga taong halos nakapatay sa akin.  Naroong namatayan ng anak, nagkasakit ng malubha ang nanay, nakuryente ang isang kapatid, iniwanan ng asawa iyong isang kapatid…naging mahirap ang buhay nila. 

Nakaramdam ako ng awa sa kanila. Humanap ako ng paraan para kami’y magkausap.  Hanggang isang araw, nakaharap ko sila at saka pinatawad.  Sa wakas, ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang dapat kong gawin sa pamilyang papatay sa akin.  Ibinahagi ko sa kanila ang nagpabago ng aking buhay.  Nagpa-ECLS kami sa kanilang lugar kung saan 60 ang dumalo.

Members na rin sila ng FAMILIA community ngayon!

Related Articles

Favors

Familia member since 2003. Worked in 2 Goverment Offices as I.T. Personel, developer, Computer Technician, Cabling, and I.T. specialist. Bilang I.T. personel sa government, ako

Kadena

Si Stan ay isang security guard sa Quezon Province.  May asawa at tatlong anak.  Mahirap ang kanilang buhay at lalu pa itong humirap nang mag-expire

Love Converts

I was an Aglipayan when my husband & I were invited & joined Familia in 2012. Dahil po sa Familia Community naging ganap po akong

All rights reserved 2019 | Familia Community Foundation, Inc.

Coming Soon